Showing posts with label PROMO. Show all posts
Showing posts with label PROMO. Show all posts

Monday, December 30, 2024

Pag-IBIG 1 Plus 1 Raffle Promo


Pag-IBIG 1 Plus 1 Raffle Promo

Ang 1 Plus 1 Raffle Promo ay isang espesyal na programa ng Pag-IBIG Fund na naglalayong hikayatin ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at mga manggagawa mula sa Other Earning Group sectors, kagaya ng mga kasambahay, market vendors, public transport drivers, construction workers, at iba pa, na mag-rehistro sa Pag-IBIG o i-reactivate ang kanilang Pag-IBIG membership.

Maaaring sumali rito ang lahat ng Pag-IBIG members na mayroong current membership status, o mga miyembro na may hindi bababa sa isang buwang hulog sa loob ng nakaraang tatlong buwan sa kanilang Pag-IBIG Regular Savings. Sila ay tatawaging PagIBIGfluencers.

Kinakailangan lang mag-sign up sa Pag-IBIG 1 Plus 1 Raffle Promo https://www.pagibigfundservices.com/1plus1/ para makuha ang kanilang personal na Pag-IBIG Promo Code (PPC).

I-share ang PPC sa bawat Plus 1, o ang mga kakilalang maiimbitahan na mag-rehistro sa Pag-IBIG o kaya’y i-reactivate ang kanilang Pag-IBIG membership.

Para sumali bilang PagIBIGfluencer, sundin lamang ang sumusunod:
  1. Pumunta sa Pag-IBIG 1 Plus 1 Raffle Promo website, https://www.pagibigfundservices.com/1plus1/. At i-click ang Mag-Log In.
  2. I-click ang Mag-Sign Up.
  3. Punan ang mga kinakailangang detalye at impormasyon.
  4. Ipapadala ang One-Time Pin (OTP) sa inyong Phililippine mobile number at/o email. Ilagay ang OTP para magpatuloy.
  5. Kapag na-verify na ang inyong OTP ay matatanggap mo na ang inyong Pag-IBIG Promo Code (PPC), at ipapadala ang inyong Temporary Password sa inyong Philippine mobile number at/o email. Ang Pag-IBIG Promo Code ang magsisilbing username para makalog in sa inyong Pag-IBIG 1 Plus 1 Raffle Promo account.
  6. Mag-Log In gamit ang inyong Temporary Password. Pagkatapos maglog in, baguhin ang password para sa seguridad ng inyong account.
  7. Congrats! Ready ka ng i-share ang iyong PPC sa mga maiimbitahang magpa-rehistro o mag-reactivate ng kanilang Pag-IBIG membership!
Maaari mong imbitahang maging Plus 1 ang mga sumusunod:

• May edad na 18 – 64 taong gulang sa oras ng pag-sign up sa promo;
• Nagtatrabaho bilang OFW, nabibilang sa informal income sector, o mga nagtatrabaho bilang kasambahay, public transport drivers o mga namasada, magsasaka, mangingisda, barangay officials, self-employed professionals, mga hindi miyembro ng Pag-IBIG o o kaya’t hindi current ang kanilang membership status;

Kinakailangan lang din mag-sign up ng inyong Plus 1 sa Pag-IBIG 1 Plus 1 Raffle Promo website, at ilagay ang Pag-IBIG Promo Code ng kanilang PagIBIGfluencer.

Sa bawat P200 na ipon ng Plus 1 sa kanilang Pag-IBIG Regular Savings ay makatatanggap sila ng isang (1) e-ticket para sa 1 Plus 1 Raffle Promo. Mas maraming Plus 1, mas maraming ipon, mas malaking tiyansang manalo ng hanggang P500,000.00 each sa Grand Draw!

Ang PagIBIGfluencers ay makakatanggap ng parehong premyo ng kanyang Plus 1 basta’t siguruhin lang na makakapaghulog din ng hindi bababa sa P200 sa Pag-IBIG Regular Savings kada buwan.

Ang promo ay mula 21 December 2024 hanggang 30 November 2025.

Para sa ibang detalye at impormasyon sa Pag-IBIG 1 Plus 1 Raffle Promo, pumunta sa https://www.pagibigfundservices.com/1plus1/ upang makita ang kabuuan ng promo mechanics.

Para sa iba pa ninyong katanungan, suhestiyon, o feedback tungkol sa mga programa at serbisyo ng Pag-IBIG Fund, maaari po kayong makipag-ugnayan sa mga sumusunod na contact points na handang maglingkod sa inyo 24/7. 

Pag-IBIG Fund Hotline: 8-724-4244 (8-PAG-IBIG)
Email: contactus@pagibigfund.gov.ph
Chat (Avatar): bisitahin ang aming website sa www.pagibigfund.gov.ph

Kung hindi kapa Pag-IBIG Member, pwedi ka mag register online upang maging Member ka ni Pag-IBIG, LIBRE ang pag register online man or sa Pag-IBIG Office.


SCAN, SIGNUP & WIN!



Saturday, December 28, 2024

Scan, Signup & Win


Ngayong December 21, 2024 na ang Pag-IBIG One Plus One Raffle Promo! Sali na!! 🫰

Paano? Maghanap ng plus 1, plus 2, plus 3...

… mas maraming maiimbitahang magpamiyembro sa Pag-IBIG, mas malaking chances of winning!

Mag-register na sa ➡️ SCAN & SIGNUP  at baka ikaw na at ang +1 mo ang susunod na manalo ng P500,000 sa grand draw!


Para sa iba pang detalye, VIEW HERE!

#PagIBIG1P1RafflePromo​
#WinWithPagIBIG1P1​
#pagibigfundsolidkabond

Tuesday, October 17, 2023

EK-citing at EK-xclusive

EK-citing at EK-xclusive! May discounts on attractions and restaurants para sa may Pag-IBIG Loyalty Card at Loyalty Card Plus! 🚀🌟

Enjoy a 15% discount on a Regular Day Pass at Enchanted Kingdom! Plus, a 5% discount on Amazon Grill and Launch Time! 

Simply present your Pag-IBIG Loyalty Card or Pag-IBIG Loyalty Card Plus! Terms and conditions apply.