Pag-IBIG 1 Plus 1 Raffle Promo
Ang raffle promo na ito ay isang espesyal na program ng Pag-IBIG Fund na naglalayong hikayatan ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at mga manggagawa mula sa Other Earning Group sectors, kagaya ng mga kasambahay, market vendors, public utility vehicle drivers, construction workers, at iba pa, na maging miyembro o i-reactivate ang kanilang Pag-IBIG membership.
Sa pamamagitan nito, mae-enjoy nila ang iba't ibang programa at serbisyo ng Pag-IBIG Fund, makapagsimulang mag-ipon para sa magandang kinabukasan, at makatulong sa pag-abot ng pangarap na bahay sa abot-kayang halaga.
Samantala, i-scan lamang po ang QR code na makikita sa aming post o sundan lamang po ang steps na ito upang makasali sa promo na ito ng Pag-IBIG Fund:
Para sa PagIBIGfluencers:
- I-click ang link na ito, https://www.pagibigfundservices.com/1plus1
- Punan ang mga kinakailangang impormasyon upang mag-sign up bilang PagIBIGfluencer
- Matapos mag-sign up, makakatanggap kayo ng Pag-IBIG Promo Code
- Mag-imbita ng mga kaibigan o kakilala na magpa-miyembro o mag-update ng kanilang Pag-IBIG membership.
- I-share sa kanila ang inyong Pag-IBIG Promo Code sa oras na sila ay mag-sign up sa raffle promo
- Para sa Plus 1:
- I-click ang link na ito, https://www.pagibigfundservices.com/1plus1
- Ilagay ang Pag-IBIG Promo Code mula sa inyong PagIBIGfluencer sa SIGN UP page ng Pag-IBIG 1 Plus 1 Raffle Promo. Kung hindi pa Pag-IBIG member, kinakailangan munang mag-rehistro bilang Pag-IBIG member bago mag-sign up sa Pag-IBIG 1 Plus 1 Raffle Promo.
- Pagkatapos mag-sign up sa Pag-IBIG 1 Plus 1 Raffle Promo ay makakakuha ka rin ng inyong personal na Pag-IBIG Promo Code
- I-update ang Pag-IBIG membership sa pamamagitan ng paghulog ng hindi bababa sa P200 sa inyong Pag-IBIG Regular Savings.
Ang Plus 1 ay maari ring maging PagIBIGfluencer. Gamit ang kanyang sariling Pag-IBIG Promo Code, maaari din siyang mag-imbita ng iba pa na magpa-member o mag-reactivate ng kanilang Pag-IBIG membership
Ang Pag-IBIG Fund offices ay bukas mula Lunes hanggang Biyernes (maliban sa holidays at work suspension), 8:00 AM hanggang 5:00 PM. Nais din naming ipabatid na mayroong mga piling Pag-IBIG Branches at Housing Business Centers na bukas tuwing Sabado para sa inyong convenience.
Maaari ninyong bisitahin ang link para sa karagdagang impormasyon:
Pag-IBIG Branches in Malls (Open every Saturdays, 8AM to 5PM)Para po sa iba pa ninyong katanungan, komento, o suhestiyon, maaari po kayong makipag-ugnayan sa mga sumusunod:
Contact Center: (02) 8-724-4244
E-mail Address: contactus@pagibigfund.gov.ph
Chat: Visit the Pag-IBIG Fund website for the Live Chat Support www.pagibigfund.gov.ph