PANOORIN: Dinagsa ng libo-libong Pag-IBIG members at home seekers ang Pag-IBIG Housing Fair Central Luzon!
Sa loob ng dalawang araw, mula March 18–19, 2026, naging sentro ang City of San Fernando, Pampanga para sa mga Pilipinong nangangarap magkaroon ng sariling tahanan, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gawing mas abot-kaya at mas accessible ang pabahay para sa bawat pamilyang Pilipino.
Ihinatid ng naganap na fair ang 43 partner developers na may alok na mahigit 20,000 house and lots at condo units na mayroon pang exclusive promos, Pag-IBIG Acquired Assets, at on-site Lingkod Pag-IBIG assistance para mas mapadali ang pagbili ng mga dumalo ng pangarap nilang sariling bahay.
Manatiling nakaabang para sa mga susunod na Pag-IBIG Housing Fairs sa inyong lugar. Dito lang po ‘yan sa ating official Facebook Page!
Maraming salamat po sa inyong patuloy na pagtitiwala. 💙

No comments:
Post a Comment